o M's posts with tag: anawangin

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag anawangin

A friend of mine from Dubai just sent me an email telling a story of a friend of a girl who just died recently last Holy Week in Anawangin beach in Zambales. This is the first time i have read a story like this happened in Anawangin. If you don't know where Anawangin is, it is a cove located along the southern coastline of San Antonio Zambales through a 20 minute boatride from Pundakit beach. The beach is so secluded that no locals there were'nt able to stay long enough for a living.

As of what i know (correct me if i'm wrong), the beach was discovered by mountaineers and/or adventure seekers who likes to explore places that has never been alienated by huge volumes of ordinary beach people. And thru word of mouth from the adventurists community, thus the Anawangin beach got popular. It got so popular that the beach is often featured in documentary shows on TV. 

Yes... indeed, to me, it is one of the most beautiful beach found in Zambales or maybe considered one of best in the eastern coastline of northern Luzon. But why such a tragedy like this happened to this beautiful place?! Why?

BECAUSE SOME PEOPLE PERCIEVE THIS BEACH AS SOME SPLASH ISLAND OR SOME BEACH IN PUERTO GALERA!

PLEEEEEAAAASE! Folks, before you go to a place like this, please understand and consider the geography of the place. Like asking to yourself.... IS IT SAFE OR NOT?! And if NOT... then you know what to do. Take necessary precaution and don't be a "pasaway". Always carefully plan your trip and bring along someone whose familiar with the place. Expect the unexpected, and don't expect things always happen in your way. LIFEGUARDS and DANGER SIGNS can only do so much when you're arrogant or you're not in your right state of mind. WAIT!!! LIFE GUARDS & DANGER SIGNS?! WHERE THE HELL WILL YOU FIND THESE IN AN ALMOST DESERTED COVE? C'mon folks! Give me a break!

I sympathize to friends and relatives of those who died in Anawangin. But please don't make Anawangin beach cast a bad image on the public just beacuse an isolated case of misfortune happened. Don't blame this beach for the lack of safety and security elements because as you already know, the beach is at least an hour away from civilization. Nobody wants this to happen. When you know that you are in a situation or place that you have no knowledge of, try to understand the repercussion on every intelligent and "stupid" move you will make. It is you who should adjust to the environment and not the other way around. If this happend to me (knock on wood), there is no one else to blame but me.

So sa susunod mga folks na pumunta kayo ng Anawangin... magiingat kayo! HINDI YON BORACAY NA MAY LIFEGUARD AND DANGER SIGNS!!!!

Behind the Beauty Of Anawangin!! THIS IS A TRUE STORY!!
(a forwarded email)

This is the story behind the death of our dear officemate "Architect Melvin H. Maxino".....

Si mel happens to be a friend of my husband kaya close kami,mabuti syang kaibigan,magaling sa magic tricks, kenkoy, magaling makisama kaya lahat sa office vibes nya....wala kang perang pang-load...loloadan ka nya, everytime dadaan ako sa table nya, he would always ask me "Ate len gusto mo ng biscuit?candy?,kahit ano na meron sya."Si mel din ang YB partner ko sa office.....pero ang talagang kinahangaan ko kay mel ay ang pagmamahal nya sa magulang at kapatid nya,iniisip nya palagi kung paano nya matutulungan ang mama at papa nya...kaya pati pagtitinda ng chicharon sa office namin kina-career nya (pero in fairness ubos agad kasi masarap at mura pa) sigurado mamimiss namin ang chicharon ni mel.Sayang nga lang maaga syang nawala....alam kong sa kabaitan nya, marami pa dapat magagandang bagay na darating sa buhay nya....pero eto na nga iniwan nya na tayo....his back in the hands of our creator...at tanging ang diyos lamang ang nakakaalam kung bakit kailangan mangyari ito..but i know GOD has a plan lalo sa mga naiwang mahal sa buhay ni mel. Sa'yo mel mami-miss ka namain lahat...we pray that you may rest in peace and you will always be remembered in our hearts......

ETO NA PO ANG KWENTO:

Behind the Beauty of Anawangin

Holy week,..long weekend ng March, nagkasundong mag out-of-town ang sampung magbabarkada. Ang napiling lugar, Anawangin. Para medyo malayo naman sa polusyon ng Maynila at ma-relax naman ang mga utak mula sa araw-araw na stress ng opisina. A week before pa lang nakapagpa-reserve na kami ng tickets sa bus, seat # 1 to 10 pa nga kami,ganun ka-excited. Wednesday 12midnight ang byahe namin, mabilis at maluwang naman ang kalsada kaya alas-tres pa lang ng madaling araw ng huwebes nasa SanAntonio na ang grupo. Ang San Antonio ay isang bayan sa Zambales na jump-off para papuntang Anawangin.

Madilim pa ng mga oras na yun kaya tambay muna kami sa plaza ng San Antonio, kwentuhan at kulitan muna habang nagpapa-umaga para makabili sa palengke ng iba pang madadalang pagkain, habang ang iba'y nakikipag-negotiate na ng tricycle patungong Pundakit (shoreline para maka-arkila ng bangka patungong Anawangin. Very entertaining ang mga tricycle drivers (dahil kikita nga naman sila sa amin), halos lahat nag-aagawan para lang kontratahin sila, nakilala Ko dun si Kodz, siya yung pinili namin kasi siya yung mukhang mas informative, yung iba halatang pera lang ang habol. Ayon kay Kodz lagi siyang naghahatid dun, marami na rin daw siyang suking manilenyo at labing-isang beses na daw siyang nakapunta sa Anawangin mismo. Sa tagal ng kwentuhan namin wala siyang nababanggit na delikado o sakunang pangyayari sa lugar, pawang kagandahan lang ng lugar, binigay pa nga niya yung cell number niya para ma-text ko raw siya kung pupunta uli kami dun.

Mga 15 minutes from San Antonio to Pundakit, pagdating dun negotiate na kami ng bangka, nakilala namin si Vic, isang bangkero sa Pundakit, wala kaming ibang usapan kundi kung magkano ang kontrata sa kanya at kung kailan kami muli susunduin mula Anawangin.

Around 7am nasa Anawangin na kami, hanap agad ng magandang camp area sa gitna ng matataas na pine trees, di ko ikakaila na maganda ang lugar, tahimik at relaxing. Habang nag-aayos kami ng mga gamit at nagpi-pitch ng mga tents, lumapit ang isang ale sa amin, maganda ang ngiti at mukhang mabait, malumanay ang boses niya ng sinabi niyang siya ang caretaker ng isla, siya daw si Aling Ligaya. Umalis saglit at bumalik na may kasama pang isang babae, buhat nila ang isang maayos na papag na gawa sa kawayan, binaba nila sa gitna ng area namin at sinabing patungan daw ng mga pagkain o anumang gamit. Sabay alis, walang ibang sinabi kung may bayad man yun o wala, pero napagtanong namin sa mga katabi naming naka-camp na dun na P50 per head at per day daw.

Habang nag-aayos ang grupo may mga nagluluto na ng pancakes for breakfast, set na din ng tripod ng camera at picture taking na agad, halatang sabik ang isat-isa sa muling pagsasama ng tropa, matagal na rin kasing walang get-together dahil puro busy sa trabaho at kayod talaga para sa mga magagandang plano sa pamilya.

After breakfast excited na ang lahat lumublob sa dagat, kanya-kanyang labas na ng mga snorkel, goggles, vest at fins, makikita sa mukha ng bawat isa ang excitement na i-enjoy at i-explore ang lugar. Di alintana ng lahat ang lamig ng tubig basta sige lublob, kwentuhan, tawanan, halos wala ring pahinga ang mga digicams sa kakakuha ng pictures. Enjoy ang lahat, walang kj, lahat nakangiti, nakatawa, masayang-masaya ang tropa, ang tropa na walang ibang hangarin kundi ang i-appreciate ang ganda ng Anawangin.

Kinagabihan, set-up na ng lamp, habang nagluluto ng dinner ang ilan, nakapalibot naman ang iba sa kamustahang kwentuhan, bumangka si Mel, tropa ko since college na arkitekto na, bumanat na naman siya ng mga magic tricks niya kasama ang isa pang tropa na lagi niyang nililibang, kami naman kahit bilib sa ginagawa niya di na lang naming pinapahalata. Natatandaan ko pa nun na nagbilin ako ng pasalubong kay Mel kasi naka-line up na siya sa opisina nila na pupuntang Hawaii. Natapos ang gabing yun sa malalakas na tawanan at masasayang kwentuhan.

Kinabukasan, Biyernes Santo. Snorkling uli ang ilan sa tropa, explore uli sa islang may magagandang corals at makukulay na isda, halos di mo mamamalayan ang oras sa sobrang pagkalibang. Pagdating ng Lunch time, sabay nagsalu-salo ang buong tropa sa pagkain, pagkatapos yung iba umidlip sa pagkapagod. Bandang hapon ng nagkayayaan yung apat pa naming kasama na mag-swimming uli, dalawa sa kanila ang naka-vest kasama si Gwen, girlfriend ni Mel. Di naming akalaing may naghihintay na sakuna para sa kanila ng mga panahon na yon. Habang nagpapahinga kami sa camp site, bandang alas-kwatro ng hapon, nagulantang ang katahimikan dahil sa pagdating ng isang kasama nila Mel galing sa dagat, tumatakbo't hinihingal habang sinasabing "nalunod si……nalunod si……"…..di pa man din siya tapos sa sinasabi niya agad naming dinampot yung natitirang vest at snorkel, dahil sa pagka-intindi naming nalulunod pa lang siya ng mga panahong yon.

Hinihingal sa pagkakatakbo ng pagdating namin sa lugar, marami ng nakapalibot na tao. Pagpasok ko sa loob, nakita ko ng umiiyak si Gwen sa tabi ni Mel. Si Mel walang malay at langtang gulay habang sini-cpr ng dalawang lalaking di namin kilala, yung ibang kasama naming nangontrata na ng bangka para madala agad si Mel sa hospital. Habang nasa bangka kahit walang malay patuloy naming kinakausap si Mel at pinipisil ang mga daliri sa kamay at paa niya. Halos paliparin ng bangkero ang bangka laban sa mga malalakas na alon ng hapon na yun. Bawat minuto parang ga-oras ang tagal ng byahe namin dahil sa layo. Tinatanong naming ang diyos kung bakit, mabait naman si Mel, mabuting anak sa pamilya niya, matulungin sa tropa, kwento pa nga ng girlfriend niya may ipon siya para sa pagpapatayo ng bahay para sa nanay niya, marami pa siyang gagawin….bakit si mel?

Pagdating ng Pundakit, ang daming tao pero kakaunti ang nagkukusang tumulong, kailangan mo pang murahin para tulungan ka sa pagbuhat. May nurse na lalaking lumapit he knows cpr daw, kaya bomba uli kami kay mel habang hinihintay yung ambulansya na pinatawag ng pulis na nakatalaga dun. Ilang minuto din bago dumating yung ambulansya. Kinailangan pa naming buhatin ang mabigat na katawan ni mel papunta sa gate ng resort para maisakay siya sa ambulansya, tantsa ko nasa 20 meters din ang layo. Dun namin na-realize na ganun kalayo ang tatahakin sa tuwing magkakaroon ng sakuna sa Anawangin.

Pagkarga kay Mel sa ambulansya, salpak agad ng driver ng oxygen kay mel, akala naming magiging ok na ang lahat, tsaka namin nalaman na ibabyahe pa sa kabilang town (San Marcelino), dahil wala raw hospital sa San Antonio,..Ang tanong, Bakit walang hospital sa San Antonio? Ang nagpapalakas ng loob namin ay yung maayos pa ang kulay ni Mel at may pulso pa siya , alam namin na aabot siya kung madadala lang agad sa Ospital. Pero sadyang ayaw makisama ng tadhana ang tagal na naman ng byahe namin bago makarating sa Ospital. Pagdating sa San Marcelino Hospital, ilang minuto lang ng mailipat si Mel sa kama ng ospital, dun na sinabi ng duktor na din na niya kinaya…wala na si Mel..Ganun kabilis ang pangyayari..Di man katanggap-tanggap.

Pagsunod ng ibang kasama namin sa San Marcelino Hospital, dun namin sila nakausap tungkol sa pangyayari. Ayon kay German, (isa sa apat na magkakasama), tahimik at mababaw ang tubig, umabot man ng ilang metro mula sa pampang ang babaw pa rin daw. Nung nagsi-swimming sila, medyo may distansiya si Mel sa tatlong kasama, nagulat na lang sila ng biglang nagpupumiglas at sumisigaw si Mel na para bang may puwersang humihila sa kanya na sadyang di niya makayanang labanan. Magaling lumangoy si Mel, at lalong hindi siya lasing, wala sa sampung magkakasama ang nakainom, kaya nagtataka sila kung bakit di niya magawang makalangoy. Sumaklolo si German pero paglapit niya kay Mel di niya akalaing ganun kalakas ang pwersa ng current sa ilalim ,gayung tahimik naman ang tubig ng lumusong sila. Parang may halimaw sa ilalim na gutom sa pagkuha ng buhay ng tao.,..di kinaya ni German kaya pinilit nilang makaahon agad para makahingi ng tulong. May sumaklolo pero di rin nagtagumpay na masagip si Mel, nung may pangalawang sumaklolo tsaka lang daw nakuha si Mel na wala ng malay. Ganun daw ang pangyayari. Paano pala kung walang kusang tumulong?..malamang pati katawan ng biktima ay din a makuha.

Walang "Danger" signs sa paligid,..wala ring Lifeguard,..wala ring salbabida man lang na pwede mong ibato sa nalulunod. Para saan yung sinisingil ng caretaker ng isla?...ano lang ba yung maglagay man lang sana ng signs para aware ang mga tao na ganun pala ka-delikado sa lugar nila. Hindi kapakanan ng mga campers ang priority ng caretaker.

Lahat ng ganda ng Anawangin ay nabura dahil sa pangyayaring yon, wala ka ng proteksiyon sa isla ang layo pa ng hospital na pagdadalhan sayo kung may sakuna. Sabi pa ng isang nurse sa hospital na nakausap namin, di lang minsan may ganung pangyayari, dati daw may pamilya pang nalunod, meron din daw isang case na swimmer pa yung nalunod, Puro dayo daw yung mga nagbubuwis ng buhay, halos taun-taon daw. Bakit di man lang nababalita?..maging sa internet walang ibang balita kundi kagandahan ng lugar.. Kaya pala tahimik lang ang mga locals, mga tricycle drivers at mga bangkero dun, kasi pag kinuwento nga naman nila masisira ang
hanapbuhay nila. Hanapbuhay nilang pagsasakripisyo ng buhay ng ibang tao.

Kung mahal mo ang kaibigan mo o pamilya mo, huwag mong ilapit sa mapanuksong ganda ng Anawangin, marami pang ibang magandang lugar. Gawin nating si Mel na ang huling biktima, at sigurado akong ikatutuwa ni Mel na makatulong tayo sa ibang tao na malayo sa sakuna. "Don't be a victim behind the beauty of Anawangin!!"

At para sa'yo Mel, ang pagdarasal namin para sa Mapayapang Paglalakbay. Habang-buhay kang nasa puso namin. May you Rest in Peace.

***********************************************************************


Maganda mang tignan ang lugar ng Anawangin, pero may multong nakatago sa gandang nakikita natin. Huwag na po nating pabayaang may madagdag pa sa mga buhay na nawala sa lugar na iyan, huwag nyo pong isapalaran ang inyong mga buhay! Magandang pakikisama ng mga nagpapatakbo at nangangalaga ng Anawangin lalo na
ni Aling Ligaya hindi po matutumbasan ng buhay na lalamunin pa ng isla ng Anawangin!!!!!

Mel, maraming salamat sa iyong kabaitan hindi mo pa man oras ngunit kailangan naming tanggapin ang katotohanang binawi ka na ng Maykapal. Marami ka ng taong natulungan, marami ka ng mapasayang tao, mahirap man sa amin pero kailangan mo ng tumuloy sa iyong pupuntahan. Alam kong nasa tabi ka ng Diyos na Maykapal, at alam kong magiging masaya ka dyan. Huwag mo na kaming alalahanin dahil binigyan mo na kami ng mga alaalang hindi namin malilimutan, napakabait mong kapatid, tito at lalong lalo na bilang anak sa mga magulang natin. Humayo ka na at matahimik sa kandungan ng Panginoong Diyos. Maraming maraming salamat kapatid ko!!!! Mahal na mahal ka namin!!!!

MICHAELA MAXINO HERNAEZ
Sister of Melvin



YAPAK Mountaineers Inc. celebrated Sir Maximus Jovi's birthday here at the Bohol-like beach of Anawangin in San Antonio, Zambales. At the same time, its the time for YAPAK's First Team Building Activity of the year 2007.

© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help