A friend of mine from Dubai just sent me an email telling a story of a friend of a girl who just died recently last Holy Week in Anawangin beach in Zambales. This is the first time i have read a story like this happened in Anawangin. If you don't know where Anawangin is, it is a cove located along the southern coastline of San Antonio Zambales through a 20 minute boatride from Pundakit beach. The beach is so secluded that no locals there were'nt able to stay long enough for a living.

As of what i know (correct me if i'm wrong), the beach was discovered by mountaineers and/or adventure seekers who likes to explore places that has never been alienated by huge volumes of ordinary beach people. And thru word of mouth from the adventurists community, thus the Anawangin beach got popular. It got so popular that the beach is often featured in documentary shows on TV. 

Yes... indeed, to me, it is one of the most beautiful beach found in Zambales or maybe considered one of best in the eastern coastline of northern Luzon. But why such a tragedy like this happened to this beautiful place?! Why?

BECAUSE SOME PEOPLE PERCIEVE THIS BEACH AS SOME SPLASH ISLAND OR SOME BEACH IN PUERTO GALERA!

PLEEEEEAAAASE! Folks, before you go to a place like this, please understand and consider the geography of the place. Like asking to yourself.... IS IT SAFE OR NOT?! And if NOT... then you know what to do. Take necessary precaution and don't be a "pasaway". Always carefully plan your trip and bring along someone whose familiar with the place. Expect the unexpected, and don't expect things always happen in your way. LIFEGUARDS and DANGER SIGNS can only do so much when you're arrogant or you're not in your right state of mind. WAIT!!! LIFE GUARDS & DANGER SIGNS?! WHERE THE HELL WILL YOU FIND THESE IN AN ALMOST DESERTED COVE? C'mon folks! Give me a break!

I sympathize to friends and relatives of those who died in Anawangin. But please don't make Anawangin beach cast a bad image on the public just beacuse an isolated case of misfortune happened. Don't blame this beach for the lack of safety and security elements because as you already know, the beach is at least an hour away from civilization. Nobody wants this to happen. When you know that you are in a situation or place that you have no knowledge of, try to understand the repercussion on every intelligent and "stupid" move you will make. It is you who should adjust to the environment and not the other way around. If this happend to me (knock on wood), there is no one else to blame but me.

So sa susunod mga folks na pumunta kayo ng Anawangin... magiingat kayo! HINDI YON BORACAY NA MAY LIFEGUARD AND DANGER SIGNS!!!!

Behind the Beauty Of Anawangin!! THIS IS A TRUE STORY!!
(a forwarded email)

This is the story behind the death of our dear officemate "Architect Melvin H. Maxino".....

Si mel happens to be a friend of my husband kaya close kami,mabuti syang kaibigan,magaling sa magic tricks, kenkoy, magaling makisama kaya lahat sa office vibes nya....wala kang perang pang-load...loloadan ka nya, everytime dadaan ako sa table nya, he would always ask me "Ate len gusto mo ng biscuit?candy?,kahit ano na meron sya."Si mel din ang YB partner ko sa office.....pero ang talagang kinahangaan ko kay mel ay ang pagmamahal nya sa magulang at kapatid nya,iniisip nya palagi kung paano nya matutulungan ang mama at papa nya...kaya pati pagtitinda ng chicharon sa office namin kina-career nya (pero in fairness ubos agad kasi masarap at mura pa) sigurado mamimiss namin ang chicharon ni mel.Sayang nga lang maaga syang nawala....alam kong sa kabaitan nya, marami pa dapat magagandang bagay na darating sa buhay nya....pero eto na nga iniwan nya na tayo....his back in the hands of our creator...at tanging ang diyos lamang ang nakakaalam kung bakit kailangan mangyari ito..but i know GOD has a plan lalo sa mga naiwang mahal sa buhay ni mel. Sa'yo mel mami-miss ka namain lahat...we pray that you may rest in peace and you will always be remembered in our hearts......

ETO NA PO ANG KWENTO:

Behind the Beauty of Anawangin

Holy week,..long weekend ng March, nagkasundong mag out-of-town ang sampung magbabarkada. Ang napiling lugar, Anawangin. Para medyo malayo naman sa polusyon ng Maynila at ma-relax naman ang mga utak mula sa araw-araw na stress ng opisina. A week before pa lang nakapagpa-reserve na kami ng tickets sa bus, seat # 1 to 10 pa nga kami,ganun ka-excited. Wednesday 12midnight ang byahe namin, mabilis at maluwang naman ang kalsada kaya alas-tres pa lang ng madaling araw ng huwebes nasa SanAntonio na ang grupo. Ang San Antonio ay isang bayan sa Zambales na jump-off para papuntang Anawangin.

Madilim pa ng mga oras na yun kaya tambay muna kami sa plaza ng San Antonio, kwentuhan at kulitan muna habang nagpapa-umaga para makabili sa palengke ng iba pang madadalang pagkain, habang ang iba'y nakikipag-negotiate na ng tricycle patungong Pundakit (shoreline para maka-arkila ng bangka patungong Anawangin. Very entertaining ang mga tricycle drivers (dahil kikita nga naman sila sa amin), halos lahat nag-aagawan para lang kontratahin sila, nakilala Ko dun si Kodz, siya yung pinili namin kasi siya yung mukhang mas informative, yung iba halatang pera lang ang habol. Ayon kay Kodz lagi siyang naghahatid dun, marami na rin daw siyang suking manilenyo at labing-isang beses na daw siyang nakapunta sa Anawangin mismo. Sa tagal ng kwentuhan namin wala siyang nababanggit na delikado o sakunang pangyayari sa lugar, pawang kagandahan lang ng lugar, binigay pa nga niya yung cell number niya para ma-text ko raw siya kung pupunta uli kami dun.

Mga 15 minutes from San Antonio to Pundakit, pagdating dun negotiate na kami ng bangka, nakilala namin si Vic, isang bangkero sa Pundakit, wala kaming ibang usapan kundi kung magkano ang kontrata sa kanya at kung kailan kami muli susunduin mula Anawangin.

Around 7am nasa Anawangin na kami, hanap agad ng magandang camp area sa gitna ng matataas na pine trees, di ko ikakaila na maganda ang lugar, tahimik at relaxing. Habang nag-aayos kami ng mga gamit at nagpi-pitch ng mga tents, lumapit ang isang ale sa amin, maganda ang ngiti at mukhang mabait, malumanay ang boses niya ng sinabi niyang siya ang caretaker ng isla, siya daw si Aling Ligaya. Umalis saglit at bumalik na may kasama pang isang babae, buhat nila ang isang maayos na papag na gawa sa kawayan, binaba nila sa gitna ng area namin at sinabing patungan daw ng mga pagkain o anumang gamit. Sabay alis, walang ibang sinabi kung may bayad man yun o wala, pero napagtanong namin sa mga katabi naming naka-camp na dun na P50 per head at per day daw.

Habang nag-aayos ang grupo may mga nagluluto na ng pancakes for breakfast, set na din ng tripod ng camera at picture taking na agad, halatang sabik ang isat-isa sa muling pagsasama ng tropa, matagal na rin kasing walang get-together dahil puro busy sa trabaho at kayod talaga para sa mga magagandang plano sa pamilya.

After breakfast excited na ang lahat lumublob sa dagat, kanya-kanyang labas na ng mga snorkel, goggles, vest at fins, makikita sa mukha ng bawat isa ang excitement na i-enjoy at i-explore ang lugar. Di alintana ng lahat ang lamig ng tubig basta sige lublob, kwentuhan, tawanan, halos wala ring pahinga ang mga digicams sa kakakuha ng pictures. Enjoy ang lahat, walang kj, lahat nakangiti, nakatawa, masayang-masaya ang tropa, ang tropa na walang ibang hangarin kundi ang i-appreciate ang ganda ng Anawangin.

Kinagabihan, set-up na ng lamp, habang nagluluto ng dinner ang ilan, nakapalibot naman ang iba sa kamustahang kwentuhan, bumangka si Mel, tropa ko since college na arkitekto na, bumanat na naman siya ng mga magic tricks niya kasama ang isa pang tropa na lagi niyang nililibang, kami naman kahit bilib sa ginagawa niya di na lang naming pinapahalata. Natatandaan ko pa nun na nagbilin ako ng pasalubong kay Mel kasi naka-line up na siya sa opisina nila na pupuntang Hawaii. Natapos ang gabing yun sa malalakas na tawanan at masasayang kwentuhan.

Kinabukasan, Biyernes Santo. Snorkling uli ang ilan sa tropa, explore uli sa islang may magagandang corals at makukulay na isda, halos di mo mamamalayan ang oras sa sobrang pagkalibang. Pagdating ng Lunch time, sabay nagsalu-salo ang buong tropa sa pagkain, pagkatapos yung iba umidlip sa pagkapagod. Bandang hapon ng nagkayayaan yung apat pa naming kasama na mag-swimming uli, dalawa sa kanila ang naka-vest kasama si Gwen, girlfriend ni Mel. Di naming akalaing may naghihintay na sakuna para sa kanila ng mga panahon na yon. Habang nagpapahinga kami sa camp site, bandang alas-kwatro ng hapon, nagulantang ang katahimikan dahil sa pagdating ng isang kasama nila Mel galing sa dagat, tumatakbo't hinihingal habang sinasabing "nalunod si……nalunod si……"…..di pa man din siya tapos sa sinasabi niya agad naming dinampot yung natitirang vest at snorkel, dahil sa pagka-intindi naming nalulunod pa lang siya ng mga panahong yon.

Hinihingal sa pagkakatakbo ng pagdating namin sa lugar, marami ng nakapalibot na tao. Pagpasok ko sa loob, nakita ko ng umiiyak si Gwen sa tabi ni Mel. Si Mel walang malay at langtang gulay habang sini-cpr ng dalawang lalaking di namin kilala, yung ibang kasama naming nangontrata na ng bangka para madala agad si Mel sa hospital. Habang nasa bangka kahit walang malay patuloy naming kinakausap si Mel at pinipisil ang mga daliri sa kamay at paa niya. Halos paliparin ng bangkero ang bangka laban sa mga malalakas na alon ng hapon na yun. Bawat minuto parang ga-oras ang tagal ng byahe namin dahil sa layo. Tinatanong naming ang diyos kung bakit, mabait naman si Mel, mabuting anak sa pamilya niya, matulungin sa tropa, kwento pa nga ng girlfriend niya may ipon siya para sa pagpapatayo ng bahay para sa nanay niya, marami pa siyang gagawin….bakit si mel?

Pagdating ng Pundakit, ang daming tao pero kakaunti ang nagkukusang tumulong, kailangan mo pang murahin para tulungan ka sa pagbuhat. May nurse na lalaking lumapit he knows cpr daw, kaya bomba uli kami kay mel habang hinihintay yung ambulansya na pinatawag ng pulis na nakatalaga dun. Ilang minuto din bago dumating yung ambulansya. Kinailangan pa naming buhatin ang mabigat na katawan ni mel papunta sa gate ng resort para maisakay siya sa ambulansya, tantsa ko nasa 20 meters din ang layo. Dun namin na-realize na ganun kalayo ang tatahakin sa tuwing magkakaroon ng sakuna sa Anawangin.

Pagkarga kay Mel sa ambulansya, salpak agad ng driver ng oxygen kay mel, akala naming magiging ok na ang lahat, tsaka namin nalaman na ibabyahe pa sa kabilang town (San Marcelino), dahil wala raw hospital sa San Antonio,..Ang tanong, Bakit walang hospital sa San Antonio? Ang nagpapalakas ng loob namin ay yung maayos pa ang kulay ni Mel at may pulso pa siya , alam namin na aabot siya kung madadala lang agad sa Ospital. Pero sadyang ayaw makisama ng tadhana ang tagal na naman ng byahe namin bago makarating sa Ospital. Pagdating sa San Marcelino Hospital, ilang minuto lang ng mailipat si Mel sa kama ng ospital, dun na sinabi ng duktor na din na niya kinaya…wala na si Mel..Ganun kabilis ang pangyayari..Di man katanggap-tanggap.

Pagsunod ng ibang kasama namin sa San Marcelino Hospital, dun namin sila nakausap tungkol sa pangyayari. Ayon kay German, (isa sa apat na magkakasama), tahimik at mababaw ang tubig, umabot man ng ilang metro mula sa pampang ang babaw pa rin daw. Nung nagsi-swimming sila, medyo may distansiya si Mel sa tatlong kasama, nagulat na lang sila ng biglang nagpupumiglas at sumisigaw si Mel na para bang may puwersang humihila sa kanya na sadyang di niya makayanang labanan. Magaling lumangoy si Mel, at lalong hindi siya lasing, wala sa sampung magkakasama ang nakainom, kaya nagtataka sila kung bakit di niya magawang makalangoy. Sumaklolo si German pero paglapit niya kay Mel di niya akalaing ganun kalakas ang pwersa ng current sa ilalim ,gayung tahimik naman ang tubig ng lumusong sila. Parang may halimaw sa ilalim na gutom sa pagkuha ng buhay ng tao.,..di kinaya ni German kaya pinilit nilang makaahon agad para makahingi ng tulong. May sumaklolo pero di rin nagtagumpay na masagip si Mel, nung may pangalawang sumaklolo tsaka lang daw nakuha si Mel na wala ng malay. Ganun daw ang pangyayari. Paano pala kung walang kusang tumulong?..malamang pati katawan ng biktima ay din a makuha.

Walang "Danger" signs sa paligid,..wala ring Lifeguard,..wala ring salbabida man lang na pwede mong ibato sa nalulunod. Para saan yung sinisingil ng caretaker ng isla?...ano lang ba yung maglagay man lang sana ng signs para aware ang mga tao na ganun pala ka-delikado sa lugar nila. Hindi kapakanan ng mga campers ang priority ng caretaker.

Lahat ng ganda ng Anawangin ay nabura dahil sa pangyayaring yon, wala ka ng proteksiyon sa isla ang layo pa ng hospital na pagdadalhan sayo kung may sakuna. Sabi pa ng isang nurse sa hospital na nakausap namin, di lang minsan may ganung pangyayari, dati daw may pamilya pang nalunod, meron din daw isang case na swimmer pa yung nalunod, Puro dayo daw yung mga nagbubuwis ng buhay, halos taun-taon daw. Bakit di man lang nababalita?..maging sa internet walang ibang balita kundi kagandahan ng lugar.. Kaya pala tahimik lang ang mga locals, mga tricycle drivers at mga bangkero dun, kasi pag kinuwento nga naman nila masisira ang
hanapbuhay nila. Hanapbuhay nilang pagsasakripisyo ng buhay ng ibang tao.

Kung mahal mo ang kaibigan mo o pamilya mo, huwag mong ilapit sa mapanuksong ganda ng Anawangin, marami pang ibang magandang lugar. Gawin nating si Mel na ang huling biktima, at sigurado akong ikatutuwa ni Mel na makatulong tayo sa ibang tao na malayo sa sakuna. "Don't be a victim behind the beauty of Anawangin!!"

At para sa'yo Mel, ang pagdarasal namin para sa Mapayapang Paglalakbay. Habang-buhay kang nasa puso namin. May you Rest in Peace.

***********************************************************************


Maganda mang tignan ang lugar ng Anawangin, pero may multong nakatago sa gandang nakikita natin. Huwag na po nating pabayaang may madagdag pa sa mga buhay na nawala sa lugar na iyan, huwag nyo pong isapalaran ang inyong mga buhay! Magandang pakikisama ng mga nagpapatakbo at nangangalaga ng Anawangin lalo na
ni Aling Ligaya hindi po matutumbasan ng buhay na lalamunin pa ng isla ng Anawangin!!!!!

Mel, maraming salamat sa iyong kabaitan hindi mo pa man oras ngunit kailangan naming tanggapin ang katotohanang binawi ka na ng Maykapal. Marami ka ng taong natulungan, marami ka ng mapasayang tao, mahirap man sa amin pero kailangan mo ng tumuloy sa iyong pupuntahan. Alam kong nasa tabi ka ng Diyos na Maykapal, at alam kong magiging masaya ka dyan. Huwag mo na kaming alalahanin dahil binigyan mo na kami ng mga alaalang hindi namin malilimutan, napakabait mong kapatid, tito at lalong lalo na bilang anak sa mga magulang natin. Humayo ka na at matahimik sa kandungan ng Panginoong Diyos. Maraming maraming salamat kapatid ko!!!! Mahal na mahal ka namin!!!!

MICHAELA MAXINO HERNAEZ
Sister of Melvin


63 CommentsChronological   Reverse   Threaded
baby18summer wrote on May 7
condolence to all the friends and family of mel... i wont ever go to that place.. ssssoooo crrreeeepy.. GOD BLESS HIM AND MAY HE REST IN PEACE..
jhersey33 wrote on May 7
di naman po creepy... hahaha... anyway... salamat po sa pagbasa...
bitterquiche wrote on May 7
di ko na binasa yung buong letter sir pero na gegets ko na.. medyo matatakutin kasi ako e..

condolence sa kanila.. and di po ba masama naman talaga mag alis-alis ng holyweek??? pero agree po ako sa sinabi nyo dapat talaga lagi mag iingat kahit ordinary days pa..
alexskywalker wrote on May 7
sad naman, pero ganun talaga ang buhay. If its your time, its your time. Magsisi man tayo wala na tayong magagawa. Sisihin man natin ang ibang tao, kung wala na wala na. May reason ang lahat, and some are reason na kahit ang pinakabanal na tao hindi alam. Isipin na lang natin na masaya na siya kung saan man sya naroroon. And sana maging lesson ito sa ating lahat, magingat.

alexskywalker wrote on May 7
There's nothing creepy about, it was an accident. May this serve as a lesson to us.


Sige gawin na rin nating creepy, diba its a bad thing daw to be happy on Good Friday, kasi patay ang Diyos.
perkasyunista wrote on May 7
yeah.. may this serve as a lesson.
pixeloverload wrote on May 7
lumipat na ung loch ness monster sa anawangin... LOL
pixeloverload wrote on May 7
btw the gf of melvin has a multiply account and she posted that very long story twice on my album.
jhersey33 wrote on May 7
di naman po masama umalis alis ng holy week... basta lang nirerespeto natin yung meaning ng holy week. spend some time in repenting and praying... basta ingat sa pagttravel =)
jhersey33 wrote on May 7
yep... pag oras mo na, oras mo na talaga. ang masakit... yung mangdadamay ka pa ng iba. magiiwan ka pa ng guilt sa mga kasama mo. kaya talaga ang importante magingat.
jhersey33 wrote on May 7
tama sir.... pray na lang natin sila...
shivashe wrote on May 7
btw the gf of melvin has a multiply account and she posted that very long story twice on my album.
why did she do that? to stop people from going there? that's not fair
jhersey33 wrote on May 7
she posted that very long story twice on my album
bakit sa album mo sir? masakit ang mawalan ng minamahal... pano pa kaya kung kadugo mo. mag-iingat talaga tayo mga sir!
alexskywalker wrote on May 7
why did she do that? to stop people from going there? that's not fair
hindi naman ma'am. just to serve as a reminder and a lesson na rin.
jhersey33 wrote on May 7, edited on May 7
why did she do that? to stop people from going there? that's not fair
tama... hindi nga fair... that's why i posted this blog... you can't blame nature for that... but likewise... dapat talaga magingat...
pixeloverload wrote on May 7
why did she do that? to stop people from going there? that's not fair
i think so.... ehehehe anyway anawangin si so crowded nowadays... hanap nalang ng iba pang white sand beach na may pine trees at loch ness monster. lol
pixeloverload wrote on May 7
bakit sa album mo sir? masakit ang mawalan ng minamahal... pano pa kaya kung kadugo mo. mag-iingat talaga tayo mga sir!
i viewed her account.... hehehehe
jhersey33 wrote on May 7
may pine trees at loch ness monster
loch ness monster eh... hehehe... sa cagbalete naman invade natin! (asa pa ako)
maximusjovi wrote on May 7
baka kasi kumukuha yung anawangin ng tao dahil nagagalit na yung bathala dun kasi nagpapabayad na yung care taker dun..
jhersey33 wrote on May 7
yun yon sir... kaya dapat wala ng bayad ang table... lol
maan0407 wrote on May 7
thanks for posting this one sir, may balak pa naman akong pumunta dun, pro kahit nabasa ko na 'to tuloy padin ang plans pumunta dun, basta extra careful lang naman lalo na pag nature trip, lahat posibleng mangyari, at pag aalis be sure na nag pray and ask for guidance... un lang po...=)
jhersey33 wrote on May 7
exactly po... pray for guidance... laging take into consideration yung layo ng lugar sa sibilisasyon... enjoy p kayo dun and ingat palagi =)
eblucio wrote on May 7
Sana wag maging boracay.. sana wag nang i-commercialize ang boracay. ok lang na may bayad kasi ung caretakers ang naglilinis sa lugar. pero sana, ipreserve n lang ang natural beauty ng lugar. nakakabadtrip talng ung fact na naglagay sila ng flags dun..parang nasira ang serenity ng lugar.
Comment deleted at the request of the author.
jhersey33 wrote on May 7
siguro sir matagal pang panahon para maging Boracay ang Anawangin... kelangan madevelop muna yung mga kalapit na syudad para mangyari yon... uwag na lang tayo magkalat dun para mapanatili natin ang serenity ng lugar... salamat po
racksvaldez wrote on May 7
kaya may life vest... to save lives... ndi para iwan sa shoreline... may mga bagay na nakakaligtaan tau na para sa kaligtasan nten. khet san ka man pumunta may danger talaga... wlang ibang sasagip sau kung ndi sarili mo... kaya bago pa mangyare yang mga ganyang bagay dapat iniingatan ung sarili... chaka magresearch muna about sa place... safety comes first=)
racksvaldez wrote on May 7
i think so.... ehehehe anyway anawangin si so crowded nowadays... hanap nalang ng iba pang white sand beach na may pine trees at loch ness monster. lol
hehehe... funny ka ha! hahahaha
jhersey33 wrote on May 7
ayan... napagalitan tuloy tayo ni maam racks... hehehe... magiingat nga kasi tayo... gamitin ang life vest kung meron at huwag maging pasaway... tama ba po?!
racksvaldez wrote on May 7
ayan... napagalitan tuloy tayo ni maam racks... hehehe... magiingat nga kasi tayo... gamitin ang life vest kung meron at huwag maging pasaway... tama ba po?!
hihihi... opo sir! anak ng patis... iniinit ang ulo ko eh! hehehe ...kung ayaw mag life vest...maglagay kau sa bewang ng lubid at itali nyo sa puno sa shore...
jhersey33 wrote on May 7
hahaha... ayos ka talaga maam... magandang tip yan... try naten yan sa susunod... hehe
abeautifullie wrote on May 7
hay... i feel for them. pero kase, syempre pag may nangyaring masama tendency talaga ng tao ay i-blame sa iba yung nangyari. anyhow, dapat talaga nagreresearch bago pumunta sa isang foreign na lugar. at katulad nga ng sabi ni John Lloyd, ingat! kaya sa mga backpackers dyan, bago kayo bumyahe, dapat prepared kayo sa kahit na anong possibility. harhar! kala mo kung sino akong pro sa backpacking eh :P
jhersey33 wrote on May 7
tama... magresearch at magtanong tanong sa mga nakapunta na don kung anong meron sa lugar. isa pang concern yung lack of cellphone signal doon. karamihan ng mga nagpupunta doon hindi alam na walang cellphone signal. kaya pag nagkaroon ng emergency, PAANO NA?! kaya talaga magiingat sa mga ganyang lugar...
racksvaldez wrote on May 7
i haven't been to that place... pero maganda cia from the pic... sana wag sirain ng ganitong sakuna ang magandang imahe ng anawangin. naway magsilbing babala at munting aral na khet marunong lumangoy ay nalulunod din.=)
jhersey33 wrote on May 7, edited on May 7
that's why i wrote this... you can't always blame nature for all your misfortunes... i can't blame them for pointing a finger on mother earth, but please understand that you also had a hand on your fate... right?!
jemsynergy wrote on May 7, edited on May 7
I am from zambales. Been to PUndaquit before. The beauty of Anawangin is grand. Honestly, it's not being advertised by the tourism department for i don't know what reasons. So expect that the underdeveloped facility of an overly hyped place will just disappoint in many ways. One of which is the lack of safe measures in the place. You can't blame the barangay they just get little support from the entrance fees tourists pay. Being a swimmer myself and a licensed diver, i just want to warn each one visiting the place that underpulls can always be present in the place, even on shallow waters. My good guess is that the victim was trapped in a rip tide. The current will take anything to the point it goes and ends. So be wary of swimming on sandbars near beaches... or beaches with canals. I know for myself since i grew up in Iba Zambales. Our beach takes you 75m in 5ft of water. that far! it's just 3 minutes away from my house. But when the tides are there we just don't venture too far away coz the canal is just around the corner.
Try researching topic, RIP TIDES.
BTW, Anawangin was a secret haven already in the 80s.
jhersey33 wrote on May 7
YAH... that's the one... rip tides! i can't recall the term but i saw it in Nat Geo. they call it rip currents. they tend to pull swimmers far from the beach eventhough the water is only waist deep. whoa! that's scary man! but just the same... be always careful and do not swim alone...

thank u very much for the info Jem's!
issatolentino wrote on May 7
Condolence po sa pamilya ni Mel... Ingat ingat na lang po tau, as usual... Our safety is our own responsibility, IMO lng po =) Prayers for Mel.

jemsynergy wrote on May 7, edited on May 7
Sure Mar. Sometimes the beauty of a place masks underlying dangers. If you're reading this be vary careful of bodies of water. I'd rather swim in a 60ft deep area than wade around quiet waters.
http://en.wikipedia.org/wiki/Rip_current
jhersey33 wrote on May 7, edited on May 7
this is a better understanding of "RIP CURRENTS":

http://www.loving-long-island.com/rip-currents.html

know how to spot them and escape from them... read on! Folks, be carefull once again!
jhersey33 wrote on May 7
yep... ingat po tayo lagi at all times. be vigilant kapag nasa tubig... lalo na kung hindi ka magaling na swimmer. salamat po...
jhersey33 wrote on May 7
salamat po ng marami sa info... this is of great help sa mga magpupuntang Anawangin and sa iba pang mga shallow beaches. ingat din po sa inyo sa pagddive =)
jemsynergy wrote on May 7
Before i forget, my condolences to the family and friends of Mel. Hoping this event will create in you awareness of the need to take into heart a lot of precautionary measures when you travel. And of course... HAVE FUN! Don't make this stop you of enjoying the beauty around you! ;D
jhersey33 wrote on May 7
Don't make this stop you of enjoying the beauty around you! ;D
EXACTLY!
darlenedaphne wrote on May 8
Advice ko lang sa mga magswiswiming sa anawangin, don't swim alone, swim by groups. When facing the beach water, please avoid swimming on the left side...
Basta kung saan lang yong mga naka pitch ng tent dun lang pwede magswim. Beyond that, bawal na po. Tempting dahil on that side walang masyadong nagswim but, dun po ang madaming nalulunod. Some are saved, but some are not.

condolences to the family and friends of Mel
kertbradley wrote on May 8
siguro sir matagal pang panahon para maging Boracay ang Anawangin... kelangan madevelop muna yung mga kalapit na syudad para mangyari yon... uwag na lang tayo magkalat dun para mapanatili natin ang serenity ng lugar... salamat po
nalalapit na yan pero, ewan ko according kay nanay ligaya yong nakausap namin ung sa dulong part ng anawangin kapag dinadaanan ng bagyo ung formation ng sand nagbabago pati mga pine tree nilalamon daw ng dagat, pero un ang nakita ko na nagbago doon dati may ilog pa na maliit going sa tabi ng bundok hay, tapos yon pa meron ng flag, tapos may bakod na ung sa right side waaaaaaaaaah ewan ko lang sa totoo lang ngayon pa lang nabababoy na talaga ang anawangin.....
jhersey33 wrote on May 8
marami pong salamat sa tip maam... it is very much appreciated... very helpful, it does not only applies to Anawangin, but also all of the beaches you will visit.
cytherea wrote on May 8
sad to hear the story. my condolence to the family and freinds.
even so, this is a lesson to everyone.
we could not predict everything as we wanted to. God has plans for all of us and it is the best for us.
if despite the precautionary or safety grounds we had, things like this happens,then it is God's will.

everyday in our life, we are battling with danger. we do not know what's next and exactly what's install for us. so what we could do is take a lot of care everyday, be aware, be alert and lastly, always seek God's guidance and blessings.

btw, thanks for the info on the rip tides...
abeautifullie wrote on May 8
sa totoo lang ngayon pa lang nabababoy na talaga ang anawangin
sad but true. hindi naman kase lahat ng nagpupunta ng anawangin sinusunod ang LNT eh. ang iingay pa minsan, parang sa kanila ang lugar, parang sila lang ang tao. pano naman yung mga katulad ko na kaya dumayo pa ng anawangin ay para makahanap ng peace and quiet. ggggrrrr...
jhersey33 wrote on May 8
very well said maam... salamat po!
jhersey33 wrote on May 8
parang guilty ako ah... ahihihi... jwk lang po!
katugamountaineers wrote on May 15
sa lahat po... nasulat ko na rin po ang isang eksplanayon tungkol sa lugar ng anawangin... yung gawing kaliwa malapit sa may burol pag ikaw ay galing ng pundakit (nasa dagat ka) yun po ang bukana ng suba (yung lawa sa likod na nasarado ng buhangin malapit sa may burol... natural po na malakas ang kuryente ng tubig sa lugar na ito sa kadahilanan na ang lugar na ito ay kantelado.. ang alon kapag humampas sa gilid ng burol sa halip na paibabaw ang balik ng tubig sa ilalim siya at gumugulong kaya malakas ang current ng tubig dito... at isa pa nakaharap ang zambales sa china sea malakas ang agos ng dagat sa lugar na iyan... ang problema lang po di sila nabigyan ng babala ni manong... yung care taker doon... kase po bago pa mangyari ang sakuna na ito, nangaling kami diyan ang nasave namin ang dalawang buhay na dapat sana ay kinuha ng oras na iyon. sa akto na rin po ng pagkalunod namin sila nasave... ang ginawa namin nagkamit kamay kami para maabot ang nalulunod at ng maabot na namin saka kami hinila ng mga kasama namin na nasa gawin ng dagat na walang malakas na agos. yun po at sa awa ng DIYOS nasagip namin sila... ibayong ingat po sa lahat ng gusto pumunta sa lugar na ito.
jhersey33 wrote on May 15
salamat po sir... ayan mga rapapips, katropa, kaberks, kakosa... karagdagang kaalaman po! malakas talaga ang alon sa bandang parte ng Anawangin yan, kaya talagang magiingat.
tetchiegirl23 wrote on May 31
condolence to all the friends and family of mel... i wont ever go to that place.. ssssoooo crrreeeepy.. GOD BLESS HIM AND MAY HE REST IN PEACE..
i just read dat msg psted as a comment sa page ng nagview sa anawangin page ko.iv been in pundakit a couple of times already and i love the beauty of that place. i felt sad when i read dat just as the same when i heard about julia campbell's at batad but it wont hinder me to back there again.
tetchiegirl23 wrote on May 31
why did she do that? to stop people from going there? that's not fair
she has her reasons, siguro dats one, pero it wont stop me from going there. i just love pundakit so much.but at least we are aware na nangyari yun diba?
tetchiegirl23 wrote on May 31
i think so.... ehehehe anyway anawangin si so crowded nowadays... hanap nalang ng iba pang white sand beach na may pine trees at loch ness monster. lol
kaya nga e. ang dami nang nakaka-alam. hehe ang damot. sana lang wag maging katulod ng galera yun. madinig mo pa lng magsasawa ka na. d first time we went there ( in camara btw ) was 2006 and we had the island on our own. 1st time ko yun, thnks to my friend for that. den pabalik-balik na kami parati dun.
tetchiegirl23 wrote on May 31
eblucio said
Sana wag maging boracay.. sana wag nang i-commercialize ang boracay. ok lang na may bayad kasi ung caretakers ang naglilinis sa lugar. pero sana, ipreserve n lang ang natural beauty ng lugar. nakakabadtrip talng ung fact na naglagay sila ng flags dun..parang nasira ang serenity ng lugar.
sana wag na nilang idevelop yung gota beach sa camsur para ndi sya magmahal. hehe... tsaka sana wag nating dumihan ang beach.
tetchiegirl23 wrote on May 31
tama... magresearch at magtanong tanong sa mga nakapunta na don kung anong meron sa lugar. isa pang concern yung lack of cellphone signal doon. karamihan ng mga nagpupunta doon hindi alam na walang cellphone signal. kaya pag nagkaroon ng emergency, PAANO NA?! kaya talaga magiingat sa mga ganyang lugar...
sa camara po ang lakas ng signal heheheh
tetchiegirl23 wrote on May 31
nalalapit na yan pero, ewan ko according kay nanay ligaya yong nakausap namin ung sa dulong part ng anawangin kapag dinadaanan ng bagyo ung formation ng sand nagbabago pati mga pine tree nilalamon daw ng dagat, pero un ang nakita ko na nagbago doon dati may ilog pa na maliit going sa tabi ng bundok hay, tapos yon pa meron ng flag, tapos may bakod na ung sa right side waaaaaaaaaah ewan ko lang sa totoo lang ngayon pa lang nabababoy na talaga ang anawangin.....
i saw d flags wen we went there. ayaw nga kami pag -explorin nung mamang bangkero dun e. may ayaw kami papuntahin sa may pine trees kainis.
tetchiegirl23 wrote on May 31
sad but true. hindi naman kase lahat ng nagpupunta ng anawangin sinusunod ang LNT eh
ano po yung LNT?
hehehh
tetchiegirl23 wrote on May 31
heheh dami ko comments....kainis... nabasa ko din po kanina lang bout dun sa story. nagulat nga po ako e. we just went there last feb for my early bday celeb. dapat pupunta na naman ako dun wid my officemates dis time on may 24 and 25 for our team bldg. since bumagyo (cosme) natakot sila and yung iba ndi pede ng sat kaya we change plans. siguro theres a reason for this
jhersey33 wrote on May 31
Leave No Trace po!
jhersey33 wrote on May 31
ay naku maam. pagisipan nyo muna mabuti kung pupunta kayo don lalo na kung may bagyo o kaya konting ulan. napakalakas ng alon dun kakit walang bagyo. delikado po.
tetchiegirl23 wrote on May 31
ay naku maam. pagisipan nyo muna mabuti kung pupunta kayo don lalo na kung may bagyo o kaya konting ulan. napakalakas ng alon dun kakit walang bagyo. delikado po.
thanks po. kaya siguro ndi nagpursue yung plan dahil baka magaya kami sa nangyari. thanks po ulit
Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help